kaninang umaga, nagpa 2d Echo ako..at dahil doon, tumaas ang mga tingin ko sa mga nurses(in particular sa mga pumiling manatili dito sa pilipinas). at sa mga nagtatangkang maging nurse.
ganito kasi ang nangyari kanina...
gumising ako ng 630 at umalis ng mga 715. 730 dumating kami ng aking nanay sa philippine heart center. pagkapasok eh nagfill up ng forms at maghihintay na tawagin kami. pang-pito ako.
after 2 hours... ( dala ko nun ung stat notebook ko para mag-aral, pero wala akong calculator so nagbasa lang ako at sinulat sa isang pirasong papel lahat ng mga formulas )
tinawag na ang aking pangalan. eh d pumasok ako, bawal daw pumasok mommy ko so magisa ako. isang lalaki ang sumalubon sakin at nagtanong ng mga tanong. tinanong nya ako kung ok lang ba na cya gumawa ng 2d echo sken. eh d sabi ko ok eh malay malay ko ba kung anong gagawin dun. kala ko prng xray lang haha
anyway, eh d pumunta kami sa isang room na may curtain, bed at isang big machine. anyway habang gnagawa nya ung 2d echo sken, eto naging conversation namin:
nurse: anong course mo?
ako: management information system po
n: ah, buti hindi ka nagnurse?
a: ah takot po kasi ako sa dugo ( pero sa loob loob ko, masyado na po kasing cliche ang pagnurse)
n: ah takot ka rin sa ospital?
a: hindi sa dugo lang tska sa pag inject ng mga ibang tao
n: buti at hnd ka nagnurse, boring dito sa hospital eh
pagkatpos ng ilang minuto may inapply cyang gel dun sa prng sensor thingy[?]
a: ano po yang inapply niyo?
n: para walang air na makuha
a: ah, buti memorize niyo po lahat ng mga procedures
n: siyempre kailangan , layo nga ng course na kinuha ko sa trabaho ko ngayon eh
a: ano po ba course na kinuha nyo?
n: medtech
a: ah
n: dito nako nagtrain sa phil heart center
a: ilang months po ang training?
n: 3 months
n: tapos hanggang ngayon nag-aaral parin kami, every tuesday may seminar kami
a: waw pagod un ah, ayoko na ngang mag-aral eh
n: may mga reports pa kami tpos mag-analyze ng case tpos may mga doctor din dun
a: [prng gs2 kong sabhn na, ah pareho pala tayo, nag-aanalyze din kami ng cases, pero napagisipan kong wag nalang haha ]
a: ahh , hirap naman nun hangang ngayon nag-aaral pa din po kayo
n: kailangan kasi, tpos pati mga bagong cases ng mga patiente kelangn din namin pag-aralan
a: buti hindi ako nagnurse
n: *tawa nasmile na ewan*
*nanahimik kami*
nung pagkatpos ng 2d echo
n: buti hindi ka takot sa hospital?
a: hehe wala naman po dapat ikatakot eh
n: ah ako takot ako sa dentista, takot akong magpabunot eh
a: ah nabunutan na nga ako ng apat
n: ah nagbraces ka?
a: oo, hindi naman masakit magpabunot, may anaesthesia naman eh
n: hanggang cleaninglang ako eh
a: * nag smile nlng ako *
at natapos ang pag 2d echo ko.
ang friendly friendly ng nurse na un na hnd ko alam ang pangalan. bilib nako sa mga nurse ngayon ung sa mga dedicated sa trabaho nila at nandito pa rin sa pinas. alam mo un, kahit na mahirap (dahil lagi kang mag-aaral) ok lang sa kanila. kahit na alam nilang mas ok sweldo sa ibang bansa andito parin sila. kasi dahil sa kanila, may mga tumutulong sa mga doctor at nag-aassist sa mga patiente. kahit na prng ang scray ng trabaho nila.
naisip ko nga habang hinihintay akong tawagan para mag pa 2d echo eh buti may mga nagdodoctor pa kasi isipin mo, pagkatapos mo maggraduate ng college, magaaral ka pa ng ilang taon para maging full pleged doctor madaming libro aaralin mo at mga trainings na kelangn kuhanin. sabi ko sa mommy ko na buti may mga nagdodoctor pa sabi nya sken malaki kita pag doctor eh. pero isipin mo rin mga nasayang oras sa pag-aaral. pero dun sila masaya kaya masaya na rin ako :) kasi kung wala na sila nako pano pa tayo?
last year pumunta ako sa st luke hospital para magpacheck up dahil nagsusuka ata ako, sabi sken ng pinsan ko na nawala ung ibang magagaling na doctor, pumunta na raw sa ibang bansa. sabi ko sayang naman, siguro kung andito sila, mas marami silang matutulungan na kapwa nilang Pinoy. may point siguro sila sa pag alis sa bansa natin, mababa sweldo dito, sayang ung kagalingan nila dahil mas marami silang makukuhang pera sa pagtrabaho nila sa ibang bansa. pero wala lang, nanghihinayang lang ako.
anyway un lang naman haha :)
nga pala nagpagupit ako ngayon,,,not the cut i'm expecting, pero ayos lang i think? hahaha good luck na lang sa akin pag may nag comment na "kim hindi mo bagay" o kaya "kim mas ok hair mo dati" hahaha
ow nga pala, i barely made it sa stat exam ko. pero d ako nadedepress. haha as kez said , ung mga ganyang bagay hindi dpat iniiyakan. dapat mag "move on" hahahah joke kez :p at may midterms kami sa mon., d pako masyadong nakakaaral. good luck to mee and good luck to us.
sa lahat ng mga kukuha ng stat exam sa lunes:
tara at samahan niyo akong magrosaryo mamayang gabi upang gabayin tayo ni mama mary at ni papa God sa ating pagsusulit sa lunes :) at upang bigyan nila tayo ng konting sipag at tiyagang mag-aral ng mga formulas at iba pa.
p.s.
joke lang ung pagrorosaryo :) wala lang akong magawa, nakakatamad mag-aral eh :)
p.s.s.
sige mag-aaral nako :)
Current Mood: 
stat stat stat
Current Music: lips of an angel - hinder